↠ Sentimental mga tula ng pag ibig lungkot at paglimot

Sentimental mga tula ng pag ibig lungkot at paglimot [PDF / EPUB] Sentimental mga tula ng pag ibig lungkot at paglimot Ipinagdiriwang sa koleksiyong ito ang iba't ibang matinding pag ibig at pangungulila gaya ng pag ibig na karnal pag ibig sa magulang pag ibig sa kapuwa at pag ibig sa bayanThis poetry collection celeb Ipinagdiriwang sa koleksiyong ito ang iba't tula ng Kindle ´ ibang matinding pag ibig at pangungulila gaya ng pag ibig na karnal pag ibig sa magulang pag ibig sa kapuwa at pag ibig sa bayanThis poetry collection celebrates a range of intense feelings of love and loss such as erotic love love for the family for the everyman and for Sentimental mga PDF/EPUB ² country.


About the Author: Virgilio S. Almario

Virgilio S Almario better known by tula ng Kindle ´ his pen name Rio Alma is a Filipino artist poet critic translator editor teacher and cultural manager He is a National Artist of the PhilippinesGrowing up in Bulacan among peasants Almario sought his education in Manila and completed his degree in AB Political Science at the University of the Philippines Sentimental mga PDF/EPUB ² A prolific writer he spearheaded the secon.



6 thoughts on “Sentimental mga tula ng pag ibig lungkot at paglimot

  1. says:

    Nakakatuwang basahin Tinipon ng Pambansang Alagad ng Sining na si Rio Alma Virgilio S Almario ang kanyang mga tula tungkol sa pag ibig Umaga ng bisperas ng Pasko at ito ang binasa ko Nakakagaan ng kalooban ang mga tula Ang mga taludtod na waring nangungusap sa puso Ginugulatay ang mga himaymay ng kaisipan upang ipadama ang tamis at siphayo ng pusong nagmahal Pinapaigting ang pintig at pitlag ng mas masuwerteng pusong kasalukuyang nagmamahal at minamahal Kaya't angkop ito sa Pasko ang Diyos ay pag ibig Tayo'y mahal ng Diyos At nais nyang ibahagi natin ang pagmamahal na ito sa ating kapwa ng walang pagiimbot at ng buong puso Kahit raw kaaway ay ating mahalin Ang ibig lang sabihin yata'y lahat ng tao ay ating dapat mahalin kung sinasabi nating mahal natin ang Diyos Tama ba?Gaya ng nakagawian tinutupi ko ang mga pahina ng mga tulang nagustuhan ko Narito ang ilan sa kanila at kung bakit ko sila naibiganMalungkot ang May Napipilas sa Aking Katawan ngunit sakto ang mga salita upang ipahayag ang nararamdan ng isa bigo sa pagibig Ito yong mga saknong na parang pumukaw sa isip ko ngayong umaga Kung iluha ko ang lahat ng lihimLihim din kung tanggapin ang patalim;Kaya puso itong matatakutinSa nakikinitang sumbat sa dilimPuso itong sa dami ng inindaWalang natira kundi alaala Ganda lang Sasabihin na naman ni Beverly nagbigay ng pangalawang kopya ko ng librong ito bakit puro malulungkot ang gusto koHindi sakto ang mensaheng nais ipahiwatig ng Sinusukol Tayo ng mga Bulaklak Hinulaan ko na lang na ito ay tula tungkol sa pagmamahal na bawal o kung hindi man ay may mga agam agam sa kanilang pagmamahalan Pansinin ang dilim sa unang taludtod at ang poot at bigkis ng puso sa pangatlo Sinusukol tayo ng mga bulaklakKung gabing manipis ang samyo ng tala;Duguan ang dampi ng dilim sa dibdibMalagim ang bukal ng mga gunitaNilalango tayo ng bango't talulotKung walang magningas na landas sa gubatAt pagyakap natin sa banig at kumotMay punyal ang bawat aninong lumatagIto ba'y pagsubok sa ating pag ibigO pantig ng abo sa ating pangako?Mahal bigkasin mo ang tinig ng pootNa siyang pumanday sa bigkis ng pusoDi tayo iidlip sa mga bulaklakDi tayo susuko sa libong magdamag Ito yong gusto ko kahit sa prosa Yong kuwentong hindi ibinibigay lahat at ako ang magiisip bakit may mga ganoong sinasabi Ito namang Pagbabalik ay isa sa mga pinakamaiksing tula sa koleksyong ito na nagpanumbalik sa mga ala ala ko sa pagkabata sa probinsya dahil sa hangin at saging at sa mga panahong wala ang nanay ko dahil sa kanyang trabaho Umaawit ang hanginSumasagaw ang sagingAlam nila marahilNa ikaw ay darating Puwede ring isang lalaki saging na naghihintay sa kanyang asawa o kasintahan haha Pero ang naisip ko ay ang puno ng saging sa mga banggerahan ng bahay namin sa probinsya Yong saging na may bunga at ang bunga at hinog na at baka malaglag lang sa lupa at masayang Pansinin ding walang tuldok ang huling taludtod Parang may mga sasabihin pa pero gustong ilihimMaganda rin ang Tipanan dahil ito ay erotiko ang pagtatagpo ng lihim ng magsing irog na hindi alintana ang mga kagat ng langgam habang nagniniig Poignant ang Tag ulan ni Inay at ramdam mo ang pagmamahal ni Rio Alma sa nanay niya Naala ala ko tuloy ang nanay ko sa Amerika na lubhang nami miss ang buhay sa probinsiya Tulad ng nanay ni Rio Alma noong narito pa sa Pilipinas ang nanay ko lagi nyang gusto sa probinsiya kaysa rito sa Maynila Sa tulang Ang Batang Ito naman ay binaybay niya ang paglaki ng isang bata mula sa kamusmusan hanggang sa lumaking makata Parang si Rio Alma na nagdadagayday ng kanyang sariling buhay Sa Paguwi ay parang nagpupugay si Rio Alma sa mga overseas contract workers at binibigyan ng kasiguraduhan na ang mga naiwang mahal sa buhay ay ganoon pa rin pagbalik nila Ngunit ang nagbago kung mayroon nagbago ay walang iba kundi silaNguni't ang pinakapaborito ko ay ang Ritwal Malungkot na kung malungkot pero ito yong sapul na sapul at dalawang beses ko pang binasa Narito ang buong tula Walang mintis bago siya makaalisMagtatanong nang magiliw ang maybahayAng baon mo dala mo ba?Aayusin ang kuwelyo at butonesNakangiting sasabihin nang mahinaySa pagtawid mag ingat kaKahit ngayon bago siya makaalisSinusulyapan ang larawan ng maybahayAng baon mo dala mo ba?Aayusin ang kuwelyo at butonesUusalin sa sarili nang mahinaySa pagtawid mag ingat ka Lungkot 'no? Namatay ang asawa niya at lagi niyang kinakausap ang larawan bago sya umalis ng bahay Wala lang Sapul ang kurot sa puso Bago ako malungkot ng sobra itigil ko na ang kaku kuwento ng mga tula ni Rio Alma Unang libro ko itong binasa na sinulat nya at wala akong dudang nararapat nga siyang hirangin at hangaan bilang isa sa mga Pambansang Alagad ng SiningMaligayang Pasko sa inyong lahat


  2. says:

    Dahil sa napakaganda ng mga Tula napansin at naramdaman ko ang hinagpis kirot lungkot hapis at muling alalahanin o gunitain ang mga nangyari sa Inang Bayan sa Kapuwa sa Magulang sa mga karanasang Karnal na matindi ang pangungulilaSa aking pagbabasa ay tunay na binigyan diin ang pagkakagamit ng mga salita upang ilarawan ang matinding pag ibig bagamat hindi kaaya aya ang sinapit ng iba tungo sa kalungkutan ay masasabi kong ito ay sumasalamin sa tunay na karakter ng mga tao sa pang araw araw na pamumuhay lalo't kung pag uusapan ang lugmok na Bayan ang mga Anakpawis na gaya ko nabiktima ng korapsyon at kawalang hustisyaNinanais kung limutin ito pero pilit na binubuhay ng mga alaala ng Tula ni Rio Alma upang ang sentimiyento natin ay makiramay sa pag ibig at pangungulilaPaborito kong Tula rito ay iyong Pag ibig at Hinagpis


  3. says:

    i think this book look interesting


  4. says:

    Hindi ko agad nadama pero ngayon na naintindihan ko na ang tunay na kalungkutan at sentimental ng akdang ito masasabi ko na ito ang tunay na akdang nakaaalam ng totoong depinisyon ng pag ibig


  5. says:

    Collection of love poems that were written in different dates Love is not always about relationship with someone Love has many aspects in this poem and Rio Alma justified it


  6. says:

    amazing


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *