Mga Agos sa Disyerto MOBI î Mga Agos MOBI :ß


Mga Agos sa Disyerto [PDF / EPUB] Mga Agos sa Disyerto Gaya ng pagunita ng isang guro kritiko ukol sa kultura sa kabataang manunulat na sulat nang sulat nang walang alam sa kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas sa lahat ng wikang ginagamit sa bansa makabub Gaya ng pagunita ng isang guro kritiko ukol sa kultura sa kabataang manunulat na sulat nang sulat nang walang alam sa kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas sa lahat ng wikang ginagamit sa bansa makabubuti sa kanila ang lumingon sa lumipas at tuklasin ang naging papel ng Agos sa Disyerto sa pagunlad ng sining ng salaysay at impluwensiya ng mga manunulat nito sa paghubog ng kaisipan ng ating sambayanang nakikibaka pa para sa kasalukuyang maiibis sa balikat nito ang bagahe ng mapait Mga Agos MOBI :ß na mga karanasan ng kahaponGinagamit sa tersyarya at sekundaryang mga paaralan kabilang na ang mga mulat ng exclusive schools bilang dagdag na babasahi umabot na sa apat ng dekada ang buhay ng Mga Agos sa Disyerto gaya ng idinokumento s isang forum sa UP Agos noong Nobyembe Mga Kuwento ng Muling Pagtatagpo na nilahukan ng maraming manunulat at guro kabilang na ang Pambansang Alagad ng Sining na si Dr Bienvenido Lumbera premyadong manunulat guro na sina Jun Cruz Reyes Dr Roland Tolentino Dr Jimmuel Naval Ruel Aguila Luna Sicat Cleto at Charleston OngAmg pagbabasa't paga aral ng mga antolohiya ng mga akdang pampanitikan natin mula sapul ang magiging lisenya ng isang manunulat na mapasakay sa agos ng tradisyon ng panulatan sa Pilipinas.

  • Hardcover
  • 273 pages
  • Mga Agos sa Disyerto
  • Efren R. Abueg
  • Filipino; Pilipino
  • 02 January 2015
  • 9789711704889

10 thoughts on “Mga Agos sa Disyerto

  1. says:

    As a collection Agos sa Disyerto is outstanding in many ways But what is most impressive about the writing it contains is its avoidance of the usual flows of Tagalog fiction worn out themes idealization of materials erratic use of point of view meaning that is left unrealized for lack of particularity of detail In general the selections are in the best of the naturalistic tradition in their fidelity to the experience they portray If lack of irony in the common failing of many Tagalog writers it has been overcome by these writers whose objectivity has brought into Tagalog fiction so much felt life that previous writings has daintily or prudishly left out Dr Bienvenido Lumbera National Artist of the PhilippinesAng Mga Agos sa Disyerto ay isang tugon ng mga kabataang manunulat noong dekada '60 na tinatawag na Bagong Dugo na sina Efren R Abueg ERA Dominador B Mirasol DBM Rogelio L Ordonez RLO Edgardo M Reyes EMR Rogelio R Sikat RRS at iba pa Ito ay isang kolektibong tugon para sa sinabi ng isang kritiko noong dekadang iyon na ang Panitikang Pilipino ngayo'y Filipino ay parang isang disyerto Kaya sila ay nagbuklod at sumulat ng mga kuwentong Tagalog na parang mga agos sa isang tigang na lupa Noong dekada '60 ang mga lokal na manunulat sa wikang ingles ang mas sikat at tinatangkilik ng mga Pilipino Baduy ang nagbabasa ng nobela sa Tagalog na sineserye sa Liwayway Aliwan o Bulaklak Nabago ito sa dekada '70 EFREN R ABUEG 1 Sa Bagong Paraiso 1963 Palanca winner 2 STARSParang nanibago ako Kababasa ko lang ng Sa Aking Panahon 4 stars ni ERA at labis kong nagustuhan ang marami sa mga maiikling kuwento ni EMR May anekdota sa aklat na iyon si EMR na sinabing minsan ay nagkalaban ang kuwento niya at ni ERA at si ERA ang nanalo ng unang puwesto Pangalawa lang ang kuwento o nobela ni EMR Kaya't sa unang basa kong ito ng akda ni ERA mataas ang ekspektasyon ko Nanibago ako Parang maligoy ang istilo ng prosa ni ERA pero para siyang si Charles Dickens kung paano maglaan ng espasyo sa kuwento o nobela niya upang ilarawan ang tagpo Detalyado na parang buhay na buhay na sa isipan mo ang tagpo bago kikilos ang mga tauhan2 Mapanglaw ang Mukha ng Buwan 1959 Palanca winner 3 STARSNagustuhan ko ito Masyadong malungkot Panahong ng hapon Patay ang ama Patay ang ina Ang anak na natira ay manganganak Binitin ang dulo pero mauunang madurog ang puso mo bago matapos ang kuwento Kauna unahang pagsali ni Abueg sa Palanca Kauna unahang pagkakapanalo Uso siguro noong ang sobrang lungkot3 Mabangis na Lungsod 1961 Palanca winner 3 STARSPinakamaikling kuwento ni Abueg dito sa librong ito Diretsahan at walang sinayang na salita Para lang walang katuturan dahil ibinitin sa dulo Aping api ang kawawang pulubi Tapos ginanoon pa? Wala na bang natitirang pag asa? Sana kahit paano binigyan ng kaunting pahimakas si ERA na may nakikita kahit isang bahid na mabago ang sitwasyon ng pulubi sa dulo Ngunit gusto ko pa rin ito dahil sa payak ngunit matinding emosyong ipadarama sa mambabasa tungkol sa isang kaawa awang pulubi4 Dugo sa Ulo ni Corbo 1964 Palanca winner 4 STARSKuwento na may frame Tale within a tale 'ika nga Isang sundalong mamatay pero ang ikukuwento ng narrator ay hindi ang sundalo pero ang kanyang alagang kalabaw Tapos doon sa huli naiisip mo na ang sundalo ang ikinukuwento at hindi ang kalabaw dahil pareho sila ng kapalaran Nauna ito kaysa sa Life of Pi ni Yann Martel Sa katunayan lumabas ito noong 1964 na birth year ni Martel5 Ang Lungsod ay Isang Dagat 1964 4 STARSAng tanging isang kuwento ni Abueg dito na di nanalo ng Palanca pero nagustuhan ko ito Kuwento ng isang putang babae na ikinukumpara ang sarili niya sa mga basurang sinisiklut siklot ng baha Isipin mo kahit pala noong dekada '60 ay binabaha na ang Espanya Recto Soler atbp Yong paglalarawan dito noong baha ay para pa ring larawan ng baha ngayon isang saglit na ulan baha na Na alaala ko rito ang Ang Mundong Ito ay Lupa ng kanyang kaibigan si EMR DOMINADOR B MIRASOL 6 Eli Eli Lama Sabachthani 1964 4 STARSDi ko alam ang ibig sabihin ng pamagat ngunit ang inaasahan ko ay parang may isang panaghinip at may mga salitang magpapakita roon na magbabadya ng isang trahedya Mahaba ang kuwento tungkol sa isang bata na sa murang gulang ay nakapatay dahil sa pagtatanggol sa isang kaibigang muntik nang mapagsamantalahan Noong nasa kulungan na dahil nasa tamang taong gulang ay muling nakapatay kaya nalipat sa Death Row Sinubukan nang ina na dalawin para sa huling sandali ay mahalikan at mayakap bilang pamamaalam Hindi pumayag Namatay sa paghihintay ang ina sa labas ng bilangguan Nabitay ang anak Ang pinakahuling tagpo ay dudurog sa inyong mga puso7 Mga Aso sa Lagarian 1963 Palanca winner 4 STARS Nalathala rin sa titulong Kamatayan sa Lagarian Pero ibinalik sa original Mga Aso sa Lagarian sa antolohiyang ito sapagkat iyan ang original na titulo Parang nagdadalawang isip si DBM kung ano ang bibigyang importansya ang mga asong tumatanghod sa pagkain ng mga obrero o ang pagkamatay ni Tata Ando? Para sa akin ang mga asong ulol at masisiba ay parang iyong mga instik na sobrang ganid sa kayamanan Ngunit walang anti Chinese na sentimiento rito dahil ipinakita pa nga na nagaala ala yong tsino na amo na baka hindi na kaya ni Tata Ando na magtrabaho Kaso nga di man lamang nag alok ng tulong para sa Genio8 Isang Ina sa Panahon ng Trahedya 1969 5 STARSAng isang ito sobrang lungkot Huwag mong babasahin kapag may problema ka dahil baka ma depress ka at bumigay Noong mabasa ko ito kagabi tinigil ko muna at nagbasa ako ng masaya Dahil masakit sa dibdib itong si DBM Wala yatang alam isulat kundi malungkot na kuwento9 Ang Biktima 1968 4 STARSParang nabasa ko na ang ganito pero magandang magkuwento si Mirasol Balanse ang pagiging character driven at plot driven Yong nagbabasa ka tapos di mo alam kung saan ka madadala yon bang maawa o mayamot sa karakter o yong intindihin ang susunod na mangyayari? Nakaka engganyo kasi yong di mo alam kung saan ka dadalhin ng istorya di ba? Itong isang ito ay tungkol sa isang batang nakagawa ng krimen tapos sa huli di mo alam kung siya ba ang nakabiktima o siya ang totoong biktima?10 Makina 1969 3 STARSIsa na namang kuwento ng mangagawa na isang ama at nangangambang mawalan ng trabaho dahil sa kanyang tisis TB or tibi Simple ang plot pero ang maganda ay ang pagkakakuwento dahil parang ang prosa ay parang tunog ng makina May tawag dito sa poetry sabi noong guro ko sa English Literature course ko noong college Nakalimutan ko lang Yong words eh parang mini mimic ang tunog ng bagay sa istorya ROGELIO L ORDONEZ 11 Dugo ni Juan Lazaro 1962 2 STARSKung ang Makina ni DBM ay tungkol sa mangagawa sa imprenta ang Dugo ni Juan Lazaro ay tungkol sa mangagawa sa isang pabrika ng tela Kung ang Makina ay takot mawalan ng trabaho dahil sa titis ang Dugo ni Juan Lazaro ay tungkol sa isang mangagawang dahil sa takot mawalan ng trabaho ay nag iskirol o 'yong hindi sumali sa welga dahil sa takot magutom ang asawa't 2 maliliit na anak Parang nakakasawa na ang istorya ng kanirapan at trahedya sa mga kuwentong napapaloob sa librong ito12 Buhawi 1962 2 STARSIto pa ang isa Tungkol din sa manggawawa na napilitang gumawa ng di mabuti dahil mismong nawalan na nga ng trabaho Tinnanggal dahil sa pulitika Hindi siya bumuto sa nanalong kongresista Pero di pinaliwanag man lang ni Ordonez kung paano nalaman ng kongresista o ng kapatas Tsaka bakit dito at sa dalawang naunang kuwento may stereotyping? Bakit ang mga bida ay payat dahil sila ay ubod ng hirap? Tapos ang mga masasamang mapagsamantala sa kanilang kahirapan ay matataba at kung di instik ay medyo singkit ang mata? Parang masyadong prediktabol13 Sa Piling ng Mga Bituin 1963 3 STARSNagustuhan ko ito dahil naging kakaiba Standout kung baga Walang plot halos Isang pintor na payat at parang ang isyu niya ay existentialism ano ang buhay? ang umaga ba ay laging kakabit ng gabi? eh ano kung mamatay? kailangan bang mabuhay para sa mga nagmamahal sa atin? o kailangang mabuhay para sa atin sarili? masama bang tawanan ang buhay?14 Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya 1968 4 STARSBinubuo ng 3 bahagi at ang bawat bahagi ay may sariling tema Ang una ay tungkol sa displacement ng mga magbubukid nang ang kanilang sinasaka ay tayuan ng mga pabrika o subdivision Ang pangalawa ay ang pagpapalit ng trabaho ng magsasaka sa trabahong di niya kinagisnan ang trabaho sa pabrika Ang pangatlo ay ang benepisyong pangkalusugan ng manggagawa Kung matanda na ba o maysakit ano ang ginagawa ng pamahalaan para sa kanila at sa kanilang pamilya?15 Si Anto 1969 5 STARSMaganda ang karakterisasyon ng mga pangunahing tauhan lalong lalo na ng bidang si Anto May pagbabago ang katauhan mula sa isang walang imik na mangingisda Hindi ngumingiti dahil sa kawalang hustisyang dinanas ng mga mahal sa buhay Hanggang sa dulo na nagsimulang tumawa at makagawa ng bagay na di na nya napigil dahil sa kawalang pag asa Ganda EDGARDO M REYES 16 Di Maabot ng Kawalang Malay 1960 Palanca winner 5 STARSNarebyu ko na ito sa aklat ni EMR na una kong nabasa Sa Aking Panahon Ngunit ang titulo nito doon ay Buhay17 Lugmok na ang Nayon 1961 Palanca winner 5 STARSNarebyu ko na rin ito sa Sa Aking Panahon na kababasa ko lang noong isang linggo Ito ay tungkol sa realismo ng buhay lalo na sa nayon noong dekada '6018 Emmanuel 1962 2 STARSDito ko pa lang ito nabasa Pakiramdam ko gusto lang ng nagtipon ng aklat o ni EMR mismo na may istoryang medyo naiiba naman Di nga ito nanalo sa Palanca pero isinama rito Alam ko parang 500 ang maiikling kuwentong naisulat ni Reyes noong siya ay nabubuhay pa Isinama nga lang siguro ito para naman di lang puro kahirapan ang paksa ng mga kuwento sa antolohiyang ito Ngunit narito pa rin ang lungkot Ibig sabihin siguro kahit mayaman ka na maaari ka pa ring malungkot19 Ang Gilingang Bato 1964 Palanca winner 5 STARSNarebyu ko na ito doon sa naunang binasa ko na Sa Aking Panahon Para sa akin sa ngayon ito ang pinakamagandang maikling kuwento sa Tagalog na nabasa ko sa buong buhay ko20 Daang Bakal 1965 Palanca winner 3 STARSMaganda rin ito Pero ngayong nabasa ko ulit parang nakakasawa na yong sunud sunod na tungkol sa ama na takot na takot mawalan ng trabaho dahil magugutom ang kanyang magi ina Paulit ulit yan sa mga kuwentong naririto Ngunit bilang isang ama totoong yan ang isa sa laging ikinatatakot namin ROGELIO R SICAT 21 Tata Selo 1960 Palanca winner 5 STARSMaikli pero epektibo ang pagkakalahad Di binigay lahat ngunit di naman binitin Tama lang na ikaw ang magisip kung ano ang ipinananaghoy ni Tata Selo sa dulo na kinuha nang lahat sa kanya o sa kanila Masarap basahin ng mabagal dahil may hindi sinasabi si Tata Selo at mayroon din namang sinasabi niya ng pakonti konti na lumalabas sa tuwing may nagtatanong sa kanya Alam mong pinagisipan ang kuwento at hindi lang para paantigin ang damdamin mo sa lungkot o galit22 Impeng Negro 1962 Palanca winner 5 STARSAnong hangganan ng pagtitimpi? Hanggang kailan mo ipagdadamot sa sarili mo ang hustisya? Paano ba ang maging kakaiba? May kasalanan ka ba sa mga naging maling desisyong ng mga magulang mo? Mahusay pala itong si RRS Kung ang forte ni EMR ay nasa saktong pasok at pulidong labas si RRS ay mahusay sa di pagsasabi ng kanyang mensahe dahil ikaw na ang dapat umalam noon Sa iyo manggagaling ang kanyang mensahe Galing23 uentin 1962 3 STARSParang modern retelling ng The Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo pero ginawang Pilipinas ang setting at ang kampanero ay hindi nagtatago sa simboryo Para ring may halong Lugmok na ang Nayon ni EMR o siguro inspired noong kuwentong yon dahil nauna iyong lumabas noong nakaraang taon Kuwento ng isang medyo kuba na nagkagusto sa pinakamagandang dilag sa nayon Tapos ang paglalarawan sa dilag ay parang si Esmeralda sa kuwento ni Hugo24 Sa Lupa ng Sariling Bayan 1963 3 STARSKuwento ni Layo isang dating mahirap tapos yumanan Nguni't noong mamamatay na ay halos wala na ring nakasama at laging nagpupumilit na dalawin siya Malungkot Pero sabi nga nila nagiisa ka nang isinilang magiisa ka ring mamamaalam Ganoon talaga yata25 Ang Kura at ang Agwador 1963 2 STARSDi ko nakuha ang gustong sabihin ng kuwentong ito Dati'y magkakabata na agwador taga igib ng tubig Tapos pinaaralan ng isang pari ang isang bata Tapos nagbalik sa nayong iyon na isang ganap na pari Dahil sa inggit kung anu anong kabalbalan ang pinaggagagawa ng dati'y kababata ng pari Yon lang Wala akong naramdaman anong mang espesyal na mensaheng gustong iparating ng kuwento May pagka gothic na di ko maintindihan Wala namang nabanggit sa mga salaysayAng 25 kuwento ay sinundang ng maraming mga salaysay essays tungkol sa antolohiyang ito Sinabi pa ni Lumbera na ang aklat na ito na naunang lumabas noong taon ng aking kapanganakan 1964 ay isang pananda landmark sa kasaysayan ng Literaturang Filipino Ang aklat na ito ay sinulat ng mga batang manunulat na nasa kolehiyo karamihan sa kanila ay mga magaaral sa MLU na isang proletaryong paaralan at sinabi nila sa kanilang sarili na isusulat nila ang totoo at hindi kung ano ang uso romansya tulad ngayon Nagsulat sila at nag publish sa sarili nilang gastos Namaybay sa Recto at inialok ang kanilang unang edisyon ng mga 50 kopya Sampung taon ang nakaraan at inilabas ng National Book Store ang pangalawang edisyon Noong ika 19 ng Nobyembre 2009 ay lumabas ang ika 4 na edisyong ito sabay sa pagpaparangal sa 5 manunulat na noon ay matanda na at tinawag itong Agos45Sa unang edisyon ay 15 lamang ang mga kuwentong napapaloob dahil tigta tatlong lamang bawat isa sa kanila Parang may naiba rin Sa sanaysay na nabasa ko ay parang maroroon sa original na edisyon si Edgardo Bautista Reyes or EBR at ang kanyang obra ay Yaong Tinatawag na Habag Mukhang maganda Bakit kaya siya pinalitan?

  2. says:

    Pangunahing kathang Pilipino na aking nabasa—ang Mga Agos sa Disyerto ang nagpamulat sa aking pagiging dayuhan sa literaturang Pilipino Katulad ng karamihan sa mga kabataan ngayon na matinding naimpluwensyahan ng kulturang Kanluran ang salitang Philippine Literature ay kaalinsabay ng salitang corny—dahilan ng malimit kong paglampas sa Filipiniana section sa tuwing ako'y napapagawi sa book storesBinubuo ng 25 maiikling kathang naisulat sa Filipino ang Agos ay sumasalamin sa mabibigat na isyung kinakaharap ng Pilipinas na tila hindi pa rin nareresolba hanggang sa ngayon Ang mga karakter sa istorya ay punong puno ng poot at paghihimagsik—sa mga dayuhan kapwa Pilipino sa bayan mga pulitiko at maging sa kanilang sarili—hindi na kagulat gulat kung ang mga mambabasa ay lubos na maapektuhan sa mga isyung sinaklaw ng mga kwentista Masalimuot man ang tinangkang galugarin ng mga ito at kathang isip fiction mang sabihin hindi nawawala ang realistikong tema sa bawat istorya Walang exaggeration walang pagkukunwari purong realidad lamang Maaamoy mo ang bantot ng kapaligiran ng mga maralita ang nagsisituluang pawis at anghit ng mga trabahador ang matamis na langhap ng nayon namumuong mga pangarap malansang amoy ng dugo ang pait ng pighati ang putikang lupa Nanunuot sa dibdib ang epektong ipinararanas ng bawat istorya MabigatKagila gilalas rin ang ipinamalas na teknik ng mga manunulat sa bawat istorya Dahil nilabag nila ang kombensiyon ng komersiyal na panunulat naging malaya sila sa pagpapahayag ng kanilang sining sa pamamagitan ng pagmamalas ng kagulangang konteksto maturity context sa mga ito Walang naitatago—ang dahas ay malinaw na naipahayag; ang karukhaan ay sadyang naipakita; ang murahan ay likas na kabilang sa mga usapan; at ang mga sekswal na aktibidades hindi man maliwanag na tinalakay ay naipahayag pa rin ng malinaw sa mga mambabasaTuyot man ang daigdig ng panitikang Pilipino ginawan ito ng nag uumapaw na dalayday nina Efren Abueg Dominador Mirasol Rogelio Ordoñez Edgardo M Reyes at Rogelio Sikat Patunay na ang literaturang Pilipino ay hindi tuluyang magiging isang malawak na disyerto

  3. says:

    Unang beses akong nakatapos magbasa ng aklat na koleksiyon ng mga maiikling kuwento sa wikang PilipinoAng aklat ay hindi parang karaniwang pelikula na matapos mong panuorin ay magkokomento ka ng Ang ganda Ang ganda Galing ni John Lloyd Sexy ni Bea Yung makapagkomento ka lang Ibig kong sabihin kailangang may reaksiyon at kuru kuro kang dapat sabihin sapagkat hindi maaring walang namuong ideya at tanong sa isip mo matapos mong basahin ang aklat na ito25 kuwento 5 manunulat 1 aklat Ang mga kuwento sa Mga Agos sa Disyerto ay sumasalamin sa totoong nangyari sa lipunan nang nakalipas na panahon at ang mga katotohanang iyon ay tumatagos hanggang sa kasalukuyan Kalimitang paksa ang kahirapan kung paano ito pinalalala ng maraming makapangyarihan at mayayaman sa lipunan Ang mga pangunahing tauhan ay mga api mga mahihina mga dehado mga biktima ng mga depekto sa sistema Ang mga manunulat ay walang takot na winasak ang magandang maskara ng pangit na mukha ng buhay Nagpapasaring kumukutya tumutuligsa Sa 25 kuwento karamihan ang pagsasalaysay ay humahantong sa kamatayan ng tauahan Kaya kinailangan kong lakasan ang aking loob sa pagbabasa nito upang hindi ako matalo ng lungkot at para matapos ko rin ang aklat May iilan na ang katapusa'y positibo na nagsisilbing relief gaya ng sa Impeng Negro napagtagumpayan ni Impen ang pambubuli ni Ogor at gaya ng sa Ang Lungsod ay Isang Dagat Nakatagpo si Carina ng lalaking totoong magmamahal sa kanya at lilimot sa kanyang nakaraan May mga katapusan din na mapapausal ka ng Ha? Ok? Marahil sa kasong it ibig ng manunulat na ang mambabasa na lang gumawa ng katapusan gamit ang imahinasyonSa kabuuan epektibo ang mga manunulat sa paghikayat sa mambabasa na gumawa ng pagpapasya Dapat may gawin tayo bilang tao para sa sarili natin at sa kapuwa upang matamasa ang tunay na kalayaan sa maraming aspeto ng buhayShet Pa deep? Sarap sapakin haha

  4. says:

    I've read this book earlier this year I'm currently rereading some of the stories as part of Pinoy Read Pinoy Book's project to compile our members' reviews for each of the stories in the bookSome of the stories in here I've already read when I was only four years old while some of them I've read when I was in high school I particularly remember reading Efren Abueg's Mabangis na Lungsod at four and it hit me hard It was the realization that life out there can be cruel especially to orphans like meI also loved Rogelio L Ordoñez's Si Anto Edgardo M Reyes' Di Maabot ng Kawalang Malay Lugmok na ang Nayon Emmanuel and Ang Gilingang Bato There was also Rogelio R Sikat's work that I really love Tata SeloThe stories in this collection were instrumental to my love affair with reading These works were also what made me love Filipino worksSo to Agos boys thank you I could never thank you enough for making me love reading Here's to the book's almost 50 years of existence Cheers

  5. says:

    Lumaki ako sa Pilipinas pero ito ang unang pagkakataon na nakabasa ako ng ganito kapurong libro Talagang nahirapan akong basahin ang librong ito maraming hindi ko lubos na naunawaan at kailangan ko pang madalas na magpabalik balik sa search engines para lang makuha ang kahulagan ng maraming kataga Maraming magagandang maiikling kuwento ang librong ito view spoilerkahit na marami sa mga kuwento ay malungkot ang wakas hide spoiler

  6. says:

    Maligayang ika 50 taon ng Mga Agos sa Disyerto Mabuhay ang Panitikang Pilipino Sana ay patuloy pang yumabong at maging ganito kasigla sa pagsusulat upang maipagmalaki at sabi nga ng awtor ay “matutong lumingon” sa lumipas gaya ng aking mga Idol Para sa akin kahit ma disyerto man ay patuloy na aagos ang tubig Ang tubig ay nagmumula sa puso na nagsisilbing bukal upang agusan ng tubig Tubig na hindi nauubos dahil sa mga adhikain saloobin o layunin na pang Masa pang Makabayan at pang Nasyonalismo Ang disyerto ay sumisimbolo sa laganap na kahirapan kawalan ng hustisya pang aapi korapsyon at iba pang bagay na nakapagpapatuyot ng lupa o buhay ng tao Yumabong noong Dekada 60 at nagkaroon ng binagong edisyon 70 Binubuo ng limang matitindi at mahuhusay na manunulat Efren Abueg Dominador Mirasol Rogelio OrdonezEdgardo Reyes at Rogelio Sikat May kaunting kwento o biography sa kanilang buhay kung paano at saan sila nagsimula Maaantig ka sa kwento pa lang ng kanilang buhay at hindi mo akalain na galing din sila sa disyerto o kahirapan Maganda ang bawat kwento nila na tumatalakay sa mala romantiko realismo sining kamalayang pampulitika larawan ng pakikipag tunggalian hamon sa makabagomg kultura at pag iisip Ipinaglalaban nila ang kanilang layunin para maipakita ang kabulukan ng sistema o mga nilamon ng sistema Nakadaupang palad ko ang dalawa sa limang manunulat na sila Ka Efren Efren Abueg at Ka Roger Rogelio Ordonez Hindi matatawaran ang kanilang husay sa pagkwento pagtula at mga payo para sa mga susunod na gustong maging manunulat Bawat kwento nila ay maaantig ang inyong puso at magbibigay buhay sa inyong pagkakakilanlan bilang Pilipino

  7. says:

    Mga Agos sa Disyerto is an anthology of short stories written by Efren R Abueg Dominador B Mirasol Rogelio L Ordonez Edgardo M Reyes and Rogelio R Sikat The short stories were written in Tagalog but I’m going to write this review in English because I’m comfortable with itAgos was first published in 1964 It made a buzz in the local literary scene because of its very down to earth plots and its very refreshing prose The stories was set in the time before technology and you could really see the richness of unadulterated Philippine culture but we already were colonized by the Spaniards so I don’t know through the storiesThe book is the book of the month of book of the first uarter of 2013 of a Goodreads Groups that I recently joined in Pinoy Reads Pinoy Books What I actually love about this group is that all of them are interested in ‘Pinoy’ books even if at first I really wasn’t The group made me realize that there are living some are dead great literature in the Philippines Even though I will not further join in their books of the month unless something changed in me I will stand by and read what they think about the books that are assigned The reason I’m not joining book discussions online because I could not catch up with what is the topic they’re talking about and the reason I’m not joining their field trips is because I’m shy And the hell with it I’m busy Always busy And if I have free time I’d rather sit back and watch a full season of some television series rather than read a Filipino book not unless something changed in meI’m sorry if I’m mean about it Oh wait I’m not going to be sorry for who I amAnyway going back there are a few short stories that I really really love We have Abueg’s Dugo sa Ulo ni Corbo and Ang Lungsod ay Isang Dagat Mirasol’s Mga Aso sa Lagarian and Isang Ina sa Panahon ng Trahedya Ordonez’s Sa Piling ng Mga Bituin Si Anto and Inuood na Bisig sa Tiyan ng Buwaya Reyes’ Lugmok na ang Nayon Emmanuel and Ang Gilingang bato and Sikat’s Impeng Negro and uentinMaybe I forgot my other favorites and for that I am deeply sorryI could not talk about the stories of the book because everyone of them is very different but some of them are of relation in a way or two but all of the stories are grounded on a Philippine setting and that is something I’m sure ofIn this book there are stories that talk about love Some talk about occupational hazards and poverty Some talk about a difficult childhood Some talk about flaws of the society Some talk about motherhood Oh which short story that centers on a prisoner about to be electrocuted or some sort of death penalty and his mother? Include that in my favorites list unless I’ve already included itThe reason that the rating I gave for this book is just three stars is that I want to be honest myself in asking this uestion how much did I like it? I think I was not really prepared for this book intellectually There are a lot of big Tagalog words that I never knew in my life In other words I just under appreciated it but don’t get me wrong this book is totally badass I still have a lot to learn about Literature and I will learn all about it I’m going to re read this book in ten years mark my words and I will totally give it a five star rating

  8. says:

    This was a difficult book to read as each story is different Some were interesting while some were a bit boring The first parts of the book was a bit disconnected I want to feel the pain of these people but the stories are too short too make that connection and the language was also hard to understand I find myself connecting to Edgardo M Reyes and Rogelio R Sikat's stories I really liked uentin Ang Gilingang bato and Di Maaboy ng Kawalang malay They were the stories that are easier to understand and relate to

  9. says:

    Some stories contain words that are so deep it makes me want to sob This book makes me feel like a bad citizen of my country

  10. says:

    napaka gaganda ng mga akda sa librong ito mabuhay ang mga Pilipinong manunulat ♥ isang malaking inspirasyon sa mg mamamayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *